Minsan ang sarap rin ng feeling ng nagkakasakit ka. Madaming nag-aalala sayo, madaming nag-aalaga sa’yo. O sabihin na natin, nasa sa’yo ang atensyon ng mga tao. Kasi pag wala kang sakit, minsan parang wala ka lang sa kanila. Parang hangin na di ka man lang makita, maramdaman at mapansin. Masarap kasi ang pakiramdam na alam mong may nag-aalala rin sa’yo kahit papano. Pero nangyayari lang ‘yan kapag nasa bingit ka na ng kamatayan o kapag may sakit kang malubha. Saka ka lang nila bibigyan ng atensyon kung kelan huli na o naghihirap ka. Kahit papano, kahit sa huli ka na makaramdam na may nag-aalala rin sa’yo, atleast may tao pa ring nagparamdam sa’yo nun. Kahit huling-huli na.

Mahirap pag yung taong gusto mo, mahal na mahal ng bestfriend mo. Wala kang magagawa kundi ipaubaya ito sa kanya. Hanggang tingin ka nalang sa kanila. As if masaya ka na kahit papano napasaya mo bestfriend mo kahit yung totoo eh sobrang sakit na.

(Source: shayantist)