End of the world na nga ba?

Andaming sakuna na ang naranasan natin dito sa Pilipinas ngayong taon na ‘to. Sunod-sunod pa. Matapos ang matinding epekto ng habagat, maraming nawalan ng tirahan, at maraming pamilya ang nawalan ng mga mahal sa buhay. Ngayon naman, inaatake ang parte ng Visayas ng malakas na lindol na may kasamang maraming aftershocks. Maraming pag-aari na rin ang nasira. Maraming nawalan ng tirahan, maraming namatayan dahil sa matinding epekto ng lindol na ito. Hindi sa naniniwala ako doon sa sinasabing “end of the world” nga daw ngayong December 21, 2012, pero unti-unti nang pinaparamdam sa’tin ang kadulutan nito. Ang hindi lang madaling tanggapin, ay kung bakit laging ang Pilipinas ang nakararanas ng mga hagupit nito. Siguro meron din naman sa ibang bansa. Sabi nga sa balita, nagkaroon ng “snow” sa bansang “Africa” na kung tutuusin ay hindi naman nagkakaroon ng snow sa bansang iyon nang dahil rin sa sobrang init ng klima rito. Sino ba namang hindi matatakot sa unti-unting pag-atake ng kalikasan sa atin. Binabalikan na tayo ng kalikasan sa mga maling pinagagawa natin sa mga ito. Hindi raw kasi natin ginamit ito sa tamang paraan at hindi raw natin ito pinangalagaan. Pinadala tayo rito ng Diyos para pangalagaan ang kanyang mga likha. Pero anong ginawa natin diba? Tayo pang mga tao mismo na may kakayahan na mag-isip ng tama, ang sisira sa kanyang mga likha. Mga taong pinagkalooban ng Diyos ng talino. Ito na siguro ang kapalit ng lahat na ginawa natin. Sa lahat ng paninisi na ginawa natin sa Diyos tuwing may nararanasang problema. Sana ay matuto na tayo sa mga sakunang naranasan natin. Ito lang siguro ang naisip ng Diyos na paraan nang sagayon ay matauhan tayo sa mga maling gawain natin.

(Source: shayantist)

Nakakamiss rin pala yung dating tumblr. Freaky Friday, Topless Tuesday (ata?), Tillitating Thursday, at iba pa. Nakalimutan ko na yung mga tawag. Sad to say yung TTH na lang ‘yung masigla at patuloy pa rin hanggang ngayon. That was last 2 years ago or 1 1/2 years ago nung last kong naencounter ‘yan. I started using tumblr last December 21, 2009. Una ko pang account yan, ‘yung creepinmean. Reblogger at first tapos naging personal blog. Madaming followers, oo. Pero naging inactive due to school kaya unti-unti silang naglagas. From 2.3k naging 2k nalang ang natira. I understand naman kasi inactive. Pero I don’t care naman kung gano pa kadami ang nawala. Doon ko unang nakilala ang mga kaibigan kong famous na ngayon kung tawagin kasi sikat na sila. Haha, hirap na abutin nung iba kumbaga. Bihira narin mag-usap. Doon ko rin naranasan magkaroon ng anon hate, pero hindi ko na pinansin masyado para walang malaking issue. Naisipan ko rin nun na mas maganda siguro kung konti lang ‘yung followers. Siguro doon, mas kokonti lang ‘yung magjajudge sa’yo bilang blogger at sa mga posts mo. Hindi nga sa lahat ng pagkakataon applicable ang kasabihang, “the more the merrier”. Papano nalang kapag madami kang haters, edi ang saklap na ng buhay mo nun diba.  Doon naranasan mafollow ng mga dream followers. Last summer lang, naisipan kong ideactivate yung unang account ko. Natripan lang, haha.

Nakakamiss ‘yung dating tumblr na pagbablog lang ang inaaatupag. Hindi ‘yung tulad ngayon na puro reklamo sa unfollow, kasabikan sa followers, posers, at iba pa. ‘Yung tumblr na tahimik at onti lang ang bloggers. ‘Yung tumblr na “what’s on tumblr, stays on tumblr.” Iba na ngayon eh, kung anong meron sa tumblr, kalat na rin sa ibang social networking sites. 

(Source: shayantist)

Know your true friends.

May mga oras talaga na kelangan mo ng alamin kung sino talaga yung totoong kaibigan mo. Yung kaibigang sasamahan ka sa kahit anong problema mo. Yung kaibigang kahit na magkalayo na kayo eh maghahanap pa rin ng paraan para makausap ka at makasama ka kahit sandali man lang. Yung kaibigang hindi ka kakalimutan kahit may nahanap na siyang bagong kaibigan. Kadalasan kasi kapag nagkalayo na, nawawala na yung bond sa isa’t isa. Parang hindi na ulit magkakilala na kapag nagkakasalubong kayo sa daan eh hanggang ngiti nalang ang kaya niyang gawin sa’yo. Masakit lang kasi isipin na parang ambilis ka lang niya nakalimutan porket may bago na siyang kaibigan. Sana lang walang limutan. ‘Wag rin kayo magpromise ng forever sa friendship niyo kung hindi rin naman kayang tuparin. Pinapaasa niyo lang yung tao sa forever na yan eh. 

(Source: shayantist, via shayantist)

Siguro pag ako nagmahal, magiging sobrang tanga siguro ako. Haha. Gusto ko ng maranasan magpakatanga para naman kapag dumating na yung tamang tao para sakin, alam ko na ang mga tama at mali. Ang mga dapat paniwalaan at mga dapat ng pakawalan. Masarap rin naman siguro magpakatanga sa pag-ibig kahit minsan. At kapag naka-move on ka na’t nawala na ang sakit sa katangahang nagawa mo nun, ang sarap na tumawa diba at naging tanga-tanga sa taong di naman karapat-dapat iyakan. Well, that’s part of love naman. Ang magpakatanga at masaktan ng sobra. Pero kapalit naman ng lahat ng iyan sa huli ay ang kasiyahan sabi nila. Pero paano kapag puro sakit nalang naramdaman mo diba? Papayag ka nalang bang paulit-ulit na magpakatanga? Wag na oy, tigil mo na. Tama na siguro yung isa o dalawang beses ka masaktan at magpakatanga. Magmumukha kang bobo na hindi naman na natuto sa mga nangyari sa’yo dati. 

(Source: shayantist)

Mahirap makipaglaban sa bagay na alam mong talo ka. Wala kang magawa kundi hahayaan na lang kung ano man ang mangyari. Tatayo ka na lang sa isang tabi at panoorin na lang ang mga daloy ng kwento. 

(Source: shayantist)

Been trapped. Can’t decide. I’ve been trapped into thinking if I’ll open up my heart for someone or keep it closed until I’m ready. Haha. It has been a year I think since I’ve started to think about it. Well, now. Wala pa rin. Dala na rin siguro ng takot sa mga pinagdaanan ng mama ko na ayokong maransan ko. Well, katiwa-tiwala naman ‘yung tao. Pero I still don’t think my heart is ready. That’s the very mere reason why I’m not into relationship issues.

(Source: shayantist)

Dear Girls, 

Humanap ka ng lalaking mas mahal ka kesa mas mahal mo siya. Kung may lalaking handang gawin ang lahat para sa’yo, dun ka na. ‘Wag ka ng maghanap ng iba pa. Maswerte ka kapag mahal na mahal ka niya. Mahirap rin kasi kapag tayong mga babae yung mas nagmamahal sa kanila. May chances na loloko-lokohin ka lang nila kasi hindi ka naman nila ganoon ka mahal. Iba talaga kapag mas mahal ka ng lalaki. Hindi ka niya magawang iwan at saktan. Lahat gagawin niya, mapasaya ka lang at mailayo sa pahamak. 

(Source: shayantist, via shayantist)

Mahirap mag let go….

Minsan, dumating at dumating talaga ang panahon na kailangan na at ready ka na sanang mag let go. Nandyan na, dumating na pagkakataon na papakawalan mo na siya sa puso mo, palayain na kasabay ng lahat ng sakit na naramdaman mo nang dahil sa pagmamahal mo sa kanya. Pero kung kailan naman gustong-gusto mo na siyang pakawalan, siya pa ito mismong lapit ng lapit sa’yo o kaya naman ay laging nachechempuhan na kailangan niyo ang isa’t isa. Parang sa group activities lang sa school, sakto at naging kagrupo mo siya sa isang activity. Obviously, wala ka ng magagawa kundi lumapit sa kanya at makipagcooperate sa gawain. Kaya ang hirap rin mag let go, di mo alam na baka bukas kailangan mo pala ang presensya niya pero hindi mo magawang lumapit sa kanya kasi babalik at babalik na naman ang nararamdaman mo sa kanya. Mapaglaro nga ata talaga yung panahon. Kung kelan ayaw mo ng makita ang presensya ng tao, saka siya dadaan at dadaan sa buhay mo. Minsan nga di lang dadaan eh, mananatili siya sa tabi mo na walang kaalam-alam sa lahat ng paghihirap na dinanas mo nang dahil sa kanya. Maswerte ka na lang kung yung goal niya sa pagpanatili sa buhay mo ay para makuha ulit yung tiwala mo sa kanya at bumalik ang dating samahan ninyo. 

(Source: shayantist)

Minsan may mga bagay talaga na dapat na nating pakawalan.
Madaming problema sa mundo, sobra. Wala na tayong magagawa diyan kasi parte na ng buhay natin ‘yan. Walang katuturan ang buhay kung wala tayong maramdamang problema at paghihirap. Diyan tayo matututo, kaya siya may saysay. Mahirap? Oo, sino ba namang hindi nahihirapan sa mga problema? Kahit simpleng problema nga nahihirapan na tayo. Minsan kahit gustong-gusto natin ang mga ito, kahit ito ang nagiging dahilan ng kasiyahan natin, nagiging sanhi rin ito ng mga sakit sa atin. Parang sa isang relasyon lang, mahal na mahal mo ‘yung tao pero kasabay niyan ay ang dalang sakit ng inyong relasyon. Hindi lahat ng nakakapagpasaya sa atin kasi ay paniguradong hindi makakasakit sa atin. Usually, ‘yan pa nga ang nagiging dahilan kung bakit tayo umiiyak ng paulit-ulit. Kaya kahit gaano mo pa man ‘yan kamahal, kahit gaano pa man kahalaga niyan sa’yo, mas nakakabuti pa ring pakawalan mo nalang ito. Tutal nasasaktan ka na rin naman, lubos-lubusin mo na, pakawalan na agad nang hindi na paulit-ulit pang maramdaman. Mahirap magpakawala, pero mas maayos na yun kesa sa maghirap ka kaiiyak gabi-gabi. Hahanap-hanapin mo ito o siya, pero dadating rin ang panahon na kakayanin mo ang buhay na wala ito sa tabi mo at makahanap pa ng nakalaan talaga para sa’yo. Wag kang tanga, di ka niya mahal!

Minsan may mga bagay talaga na dapat na nating pakawalan.

Madaming problema sa mundo, sobra. Wala na tayong magagawa diyan kasi parte na ng buhay natin ‘yan. Walang katuturan ang buhay kung wala tayong maramdamang problema at paghihirap. Diyan tayo matututo, kaya siya may saysay. Mahirap? Oo, sino ba namang hindi nahihirapan sa mga problema? Kahit simpleng problema nga nahihirapan na tayo. Minsan kahit gustong-gusto natin ang mga ito, kahit ito ang nagiging dahilan ng kasiyahan natin, nagiging sanhi rin ito ng mga sakit sa atin. Parang sa isang relasyon lang, mahal na mahal mo ‘yung tao pero kasabay niyan ay ang dalang sakit ng inyong relasyon. Hindi lahat ng nakakapagpasaya sa atin kasi ay paniguradong hindi makakasakit sa atin. Usually, ‘yan pa nga ang nagiging dahilan kung bakit tayo umiiyak ng paulit-ulit. Kaya kahit gaano mo pa man ‘yan kamahal, kahit gaano pa man kahalaga niyan sa’yo, mas nakakabuti pa ring pakawalan mo nalang ito. Tutal nasasaktan ka na rin naman, lubos-lubusin mo na, pakawalan na agad nang hindi na paulit-ulit pang maramdaman. Mahirap magpakawala, pero mas maayos na yun kesa sa maghirap ka kaiiyak gabi-gabi. Hahanap-hanapin mo ito o siya, pero dadating rin ang panahon na kakayanin mo ang buhay na wala ito sa tabi mo at makahanap pa ng nakalaan talaga para sa’yo. Wag kang tanga, di ka niya mahal!

Buhay College

Totally big difference sa kung ano ang buhay as a high school student. Mas madaming projects, term papers, thesis, at iba pa sabi nga nila. Mahirap din daw kapag pangit ang nakuha mong schedule, either may pasok ka ng sabado or may pasok ka na super late ng uwian. Sa college din, automatic member ka na ng mga tinatawag na “waterproof” na mga tao. Mas malas ka kung malayo pa ang uuwian mo. Iba rin ang social life sa college. Iba-iba ang mga kasama mo per sem, unless nalang kung may kakilala kang sabay kayong nag-enroll at kumuha ng same sched. Wala na yung mga kaibigan mo nung highschool na laging kasama mo sa mga trip at tawanan sa school araw-araw. Pero, masaya rin naman daw ang college sabi nung iba. Siguro nasa sariling opinyon lang talaga yan ng tao.