“Kahit pangit ka papatulan kita kasi may pera ka.”

Iba na talaga ang prinsipyo ng mga tao ngayon. Kung sa bagay, being practical in life nga naman lalo na in our times now kung saan naghihirap na ang mga tao, sabi ng iba. Mahirap na raw makahanap ng taong kaya kang buhayin ng matiwasay at masaya. ‘Yung wala kang iniisip na problema tungkol sa pera kasi may taong kaya kang buhayin. Pero it’s should not be based in the physical aspects of the person at sa kaya niya sa buhay. Mayaman siya, pero pangit naman. Ang pangit lang kasing pakinggan na kaya ka lang pumatol sa kanya kasi may pera siya. You’ll look more like a gold digger, “manggagamit” kumbaga. Pero ngayon, marami na rin ang cases ng ganyang klase ng samahan kaya nahahantong sa away at hiwalayan kasi walang strong building yung samahan niyo. Kaya lang nahantong sa ganyang sitwasyon kasi ang tanging ginusto lamang sa simula pa ay pera, yun at yun lang ang hinahangad. ‘Yung pera naman kasi talaga ang habol eh, hindi ‘yung pagmamahal na kayang ibigay nung tao sa’yo. 


(Source: shayantist)

Dear Girls, 

Humanap ka ng lalaking mas mahal ka kesa mas mahal mo siya. Kung may lalaking handang gawin ang lahat para sa’yo, dun ka na. ‘Wag ka ng maghanap ng iba pa. Maswerte ka kapag mahal na mahal ka niya. Mahirap rin kasi kapag tayong mga babae yung mas nagmamahal sa kanila. May chances na loloko-lokohin ka lang nila kasi hindi ka naman nila ganoon ka mahal. Iba talaga kapag mas mahal ka ng lalaki. Hindi ka niya magawang iwan at saktan. Lahat gagawin niya, mapasaya ka lang at mailayo sa pahamak. 

(Source: shayantist)

I was dreaming it all..

  • Dreaming of a happy and complete family
  • Dreaming of a happy life
  • Dreaming of a happy marriage
  • Dreaming of growing old together

The thought of dreaming of these things together with someone is great. But truthfully we’re wrong, we’re dreaming of it alone. Only in the end will we realize that fact. It’s hard to wake up from a dream and face reality that it will not come true. That dreams are just dreams and there’s no “happily ever after” in that story, unless you chose to make a move and make your dreams possible. 

(Source: shayantist, via shayantist)

“Bat di mo sabihin ang gusto mong sabihin?”

Natatakot ka kasi baka may masaktan ka? Baka maging iba tingin nila sa’yo? Baka magalit sila sa’yo? Baka mareject ka lang din pagkatapos mong sabihin? Baka wala rin naman pala silang pakialam sa sasabihin mo? So ano, ipapaubaya mo nalang sa hangin lahat ng gusto mong ilabas diyan sa bibig mo? Wag mong pigilan sarili mong magsalita. Lahat tayo may karapatang magsalita. Lahat tayo, may karapatang marinig ng kapwa tao natin. Hindi lang sila yung pwedeng magsalita, tapos ikaw, nakaupo lang sa tabi, oo lang ng oo. Share your insights, your opinions. Wala namang mawawala kung susubukan mong maglabas ng opinyon mo eh. Kung magagalit sila sa opinion mo, let them be. Ikaw yan, wala na silang magagawa kasi yun naman talaga ang opinyon mo. Magkaiba tayong lahat, hindi talaga maiiwasan yung ganyan, lalo na sa panahon natin ngayon. 

Speak now. Wag mong hintayin ang panahon na pagsisisihan mo ang hindi mong pagkibo sa mga bagay-bagay noon. Ask questions. Walang masamang magatanong. In that way nga, mas pinapadali mo yung buhay mo eh. Di mo na kailangang mag-isip pa ng kung ano-ano, yun naman pala eh mali. Magtanong ka, di naman nangangagat ang tao eh. Parang sa love life lang, tinatanong ka kung ano problema, sasabihin mo wala. Pag tinatanong naman kung nagseselos ba o ano, sasabihin mo hindi. Bakit ayaw mo sabihin sa kanya yung totoo? Malay mo, pag sinabi mo yung totoo sa kanya, may magandang epekto pa yun sa inyo. 

(Source: shayantist, via shayantist)

The other side of the door.

Dati, hiniling ko na rin na sana mamatay na lang ako. Ang babaw ko nga nun eh. Di ko na maalala kung anong nangyari nun o kung ano problemang meron ako nun para sabihin na ang sarap mamatay. Pero as days go, narealize kong may magagandang bagay pa naman pala sa mundong ‘to. Na hindi kailanman sapat na rason ang mga problema para humiling ng kamatayan lalo na kung hindi mo pa naman nagagawan ng paraan yung problema mo. See the other side. The side opposite from your problems in life. Malay mo, kapag lumingon ka sa ibang parte ng mundo, may makita kang bagay na magiging rason para gumanda ang buhay mo. Rason para mawala o kahit mabawasan man lang ang problema mo kahit sa panandaliang panahon. Don’t wish for anything you’ll regret in the end.

(Source: shayantist)

Isipin niyo rin nararamdaman nila.

Ang sakit siguro para sa mga lalake yung bigla ka nalang hihiwalayan ng mga babae nang dahil sa mababaw na dahilan. Matagal silang nanligaw para lang sagutin siya ng “OO” ng babae. Naging sila, at pinaabot ng isang taon ang relasyon nang hindi alam ng pamilya ng babae. Takot yung babaeng malaman ng magulang niya eh. Parang pinaparating na hindi worth it yung lalaki para sa kanya kasi hindi niya ‘to magawang ipakilala sa mga magulang niya kahit sabihin pang pinagbawalan siyang magkarelasyon. Kung bawal naman pala, edi sana on the first place hindi ka na pumayag na magpaligaw sa kanya kasi alam mong hindi ka naman talaga pwede. Hindi yung pinayagan mong manligaw si lalake, sasagutin, ililihim sa magulang, at mahirapan kayo sa relasyon. Hindi naman kasi madali para sa lalake yan eh. Matagal silang naghintay tapos masasayang lang ang lahat. 

(Source: shayantist)

shayantist:

I missed a big part of my childhood days. Paglalaro ng mga “larong pinoy”, hindi ‘yan naging parte ng buhay ko. Puro aral. Araw-araw puro libro at lectures kaharap ko. Sabayan pa ng pressure ng parents ko sakin pagdating sa studies. Walang time para makapaglaro sa mga batang kaedad ko sa paligid namin. Lalabas ako ng bahay kapag walang ginagawa. Pinapanood ko lang ‘yung mga batang naglalaro sa daan. Walang kaalam-alam kung ano na ‘yung mga pinaglalaro nila. Minsan, nag-aaway-away na sila, nagkakasagutan, at iba pa ng dahil sa laro. Pero kahit papano, kung titingnan mo sila, parang ang saya saya nila. Ine-enjoy nila ang pagkabata nila. Laging hanggang tingin lang ako sa kanila. Bawal maglaro sa labas, bawal magpagabi, bawal makipaglaro sa mga di kakilala. Nakakapaglaro lang ako kapag PE day namin sa school noong elementary, yun lang. Kapag nga may nakikita akong mga batang naglalaro sa kalsada ngayon, tinitingnan ko lang sila tapos napapangiti na ko. Naiinggit ako sa kanila. Buti pa sila, naranasan nila ang totoong kasiyahan ng pagiging bata. 

shayantist:

I missed a big part of my childhood days. Paglalaro ng mga “larong pinoy”, hindi ‘yan naging parte ng buhay ko. Puro aral. Araw-araw puro libro at lectures kaharap ko. Sabayan pa ng pressure ng parents ko sakin pagdating sa studies. Walang time para makapaglaro sa mga batang kaedad ko sa paligid namin. Lalabas ako ng bahay kapag walang ginagawa. Pinapanood ko lang ‘yung mga batang naglalaro sa daan. Walang kaalam-alam kung ano na ‘yung mga pinaglalaro nila. Minsan, nag-aaway-away na sila, nagkakasagutan, at iba pa ng dahil sa laro. Pero kahit papano, kung titingnan mo sila, parang ang saya saya nila. Ine-enjoy nila ang pagkabata nila. Laging hanggang tingin lang ako sa kanila. Bawal maglaro sa labas, bawal magpagabi, bawal makipaglaro sa mga di kakilala. Nakakapaglaro lang ako kapag PE day namin sa school noong elementary, yun lang. Kapag nga may nakikita akong mga batang naglalaro sa kalsada ngayon, tinitingnan ko lang sila tapos napapangiti na ko. Naiinggit ako sa kanila. Buti pa sila, naranasan nila ang totoong kasiyahan ng pagiging bata. 

Know your true friends.

May mga oras talaga na kelangan mo ng alamin kung sino talaga yung totoong kaibigan mo. Yung kaibigang sasamahan ka sa kahit anong problema mo. Yung kaibigang kahit na magkalayo na kayo eh maghahanap pa rin ng paraan para makausap ka at makasama ka kahit sandali man lang. Yung kaibigang hindi ka kakalimutan kahit may nahanap na siyang bagong kaibigan. Kadalasan kasi kapag nagkalayo na, nawawala na yung bond sa isa’t isa. Parang hindi na ulit magkakilala na kapag nagkakasalubong kayo sa daan eh hanggang ngiti nalang ang kaya niyang gawin sa’yo. Masakit lang kasi isipin na parang ambilis ka lang niya nakalimutan porket may bago na siyang kaibigan. Sana lang walang limutan. ‘Wag rin kayo magpromise ng forever sa friendship niyo kung hindi rin naman kayang tuparin. Pinapaasa niyo lang yung tao sa forever na yan eh. 

(Source: shayantist)