Learning.
Best way to learn is through making your own interpretation or understanding of the lesson taught. Not through copying those long lectures, long definitions of everything, steps and whatsoever. Make your own essential understanding. That way, you can prove yourself that you really learned. You’re not learning if all you do is just memorize the lecture given.
(Source: shayantist)

22 Jun 2012 @ 10:58PM /
1 notes TAGGED AS:
thoughts learning
Gusto mo siya, pero may gusto siyang iba. Mahal mo siya, pero may mahal siyang iba. Hinahanap-hanap mo siya, iba naman hinahanap niya. Hinihintay mo siya, may hinihintay siyang iba. Umaasa kang magiging kayo, umaasa siyang magiging sila ng gusto niya. Nagpapakatanga ka sa kanya, nagpapakatanga rin siya sa taong gusto niya.
Wow ha. Parehas kayong nagpapakatangang umaasa sa wala. Parang naghahabol ng bagay na kahit kelanman eh imposible niyong makuha. Good luck na lang sa inyo kung kaya niyong tagalan ‘yang sitwasyong ‘yan. Try niyong tumingin sa isa’t isa. Malay mo, kayo naman pala talaga ang nakatadhana diba? Subukan niyo lang naman. Walang mawawala kung susubukan mo. May matututunan ka pa nga kung sinubukan mo eh. Kasi sa bawat trials na ginagawa mo, may matututunan ka talaga kahit gaano man kaliit na lesson ang matutunan mo. Take a risk with those chances offered.
(Source: shayantist, via shayantist)

21 Jun 2012 @ 10:04PM /
12 notes TAGGED AS:
thoughts
“So why don’t you get some help before you collapse?”
Ask for help. Hindi ibig sabihing nanghingi ka ng tulong eh wala ka ng kwenta at napakihina mo. ‘Wag laging sinasarili ang problema. Kaya nga andiyan yung mga tao sa paligid mo. Hindi sila basta-bastang extra lang sa buhay mo. Hindi sila extra casts ng teleserye ng buhay mo na walang halaga at mabubuhay ka naman kahit wala sila. Hindi. Anong silbi ng mga kaibigan mo? Anong silbi ng magulang mo? Anong silbi nilang lahat ng nakapaligid sa’yo kung mag-aalinlangan ka rin namang manghingi ng tulong kasi nahihiya ka at sa tingin mo ay hindi nararapat gawin para sa isang tulad mo. Kahit yung mga taong kayang gawin ang lahat. Yung matatalino? Kailangan rin nila ng tulong kahit matalino sila. Wala kang mararating na maayos kung hindi ka hihingi ng tulong. Oh kahit wag ka ng manghingi ng tulong. Tumingin ka lang sa paligid mo, at may makikita kang mga taong handang tumulong sa’yo kahit wala ka namang hininging tulong sa kanya. Tanggapin mo yung inaalok nila. Walang mawawala sa’yo kapag tinanggap mo iyon.
(Source: shayantist)

21 Jun 2012 @ 07:02PM /
2 notes TAGGED AS:
thoughts
Forgive and Forget.
Sigurado ka bang makakalimutan mo totally yung ginawang mali ng tao sa’yo? Sigurado ka bang ni minsan hindi mo maaalala o kahit masagi man lang sa isip mo yung nangyari sa inyo nung nakaraan? Hindi naman diba. Siguro nakapagpatawad ka na. Napatawad mo na yung ginawang kasalanan ng tao sa’yo, maging yung taong gumawa ng mali sa’yo pero alam mo sa sarili mong nandun pa rin at nakatatak sa isip at puso mo yung sakit na naramdaman mo dati. Nawala na yung sama ng loob niyo sa isa’t isa, bati na kayo at masaya kayo sa kung ano mang samahan ang meron kayo ngayon. Pero aminin mo, may mga pagkakataon talaga na bigla-bigla mong maaalala yung mga nangyari dati. Kaya hindi totoo yung kasabihan na ‘yan. Forgive and learn may do. Forgive, and learn the best from what had happened. Don’t forget. Learn instead.
(Source: shayantist)

20 Jun 2012 @ 10:58PM /
2 notes TAGGED AS:
thoughts
Laugh and smile until there’s reason for you to that. Tumawa ka lang hanggang sa kaya mo pa. Tumawa ka lang hanggang sa may rason ka pang tumawa. Balang araw mamimiss mo ‘yan. Mamimiss mong tumawa kasi hirap ka sa sitwasyon mo, sa mga problema mo. Kaya hanggang sa kaya mo pa at malaya mo pang magagawa ang tumawa, tumawa ka lang. Walang masamang tumawa. Sige ka, pagdating ng panahon di ka na makakatawa’t ngiti ng totoo. Yung tawa’t ngiti na hindi pilit para sabihin lang sa iba na ayos ka lang. Na kaya mo pa lahat ng pinagdadaanan mo. Ngumingit ka nga, pilit naman.
(Source: shayantist)

13 Jun 2012 @ 08:30PM /
8 notes TAGGED AS:
thoughts
Gusto mo siya, pero may gusto siyang iba. Mahal mo siya, pero may mahal siyang iba. Hinahanap-hanap mo siya, iba naman hinahanap niya. Hinihintay mo siya, may hinihintay siyang iba. Umaasa kang magiging kayo, umaasa siyang magiging sila ng gusto niya. Nagpapakatanga ka sa kanya, nagpapakatanga rin siya sa taong gusto niya.
Wow ha. Parehas kayong nagpapakatangang umaasa sa wala. Parang naghahabol ng bagay na kahit kelanman eh imposible niyong makuha. Good luck na lang sa inyo kung kaya niyong tagalan ‘yang sitwasyong ‘yan. Try niyong tumingin sa isa’t isa. Malay mo, kayo naman pala talaga ang nakatadhana diba? Subukan niyo lang naman. Walang mawawala kung susubukan mo. May matututunan ka pa nga kung sinubukan mo eh. Kasi sa bawat trials na ginagawa mo, may matututunan ka talaga kahit gaano man kaliit na lesson ang matutunan mo. Take a risk with those chances offered.
(Source: shayantist)

13 Jun 2012 @ 08:10PM /
12 notes TAGGED AS:
thoughts
“Lagi nalang kapag patulog na ko saka ako nakakapag-isip ng kung ano-ano. Mga pwedeng magandang isulat sana. Kaso, wala na, wala ng time para maisulat ko yung mga naiisip ko. Kung ano-anong thoughts na lang ang sumasagi sa isip ko na nagiging dahilan kung bakit matagal pa bago ako makatulog. Nakahiga lang, nakapikit, pero di naman tulog. Hanggang sa makatulog na ko at magigising ng late. Pagkagising, wala na. Wala na lahat ng magagandang ideas. Baliktad ata ‘tong utak ko e. Sa umaga’t hapon, bihirang gumana pero kapag gabi’t madaling araw saka siya talaga napapakinabangan.”
(Source: shayantist)

07 Jun 2012 @ 10:34PM /
4 notes TAGGED AS:
thoughts