I missed a big part of my childhood days. Paglalaro ng mga “larong pinoy”, hindi ‘yan naging parte ng buhay ko. Puro aral. Araw-araw puro libro at lectures kaharap ko. Sabayan pa ng pressure ng parents ko sakin pagdating sa studies. Walang time para makapaglaro sa mga batang kaedad ko sa paligid namin. Lalabas ako ng bahay kapag walang ginagawa. Pinapanood ko lang ‘yung mga batang naglalaro sa daan. Walang kaalam-alam kung ano na ‘yung mga pinaglalaro nila. Minsan, nag-aaway-away na sila, nagkakasagutan, at iba pa ng dahil sa laro. Pero kahit papano, kung titingnan mo sila, parang ang saya saya nila. Ine-enjoy nila ang pagkabata nila. Laging hanggang tingin lang ako sa kanila. Bawal maglaro sa labas, bawal magpagabi, bawal makipaglaro sa mga di kakilala. Nakakapaglaro lang ako kapag PE day namin sa school noong elementary, yun lang. Kapag nga may nakikita akong mga batang naglalaro sa kalsada ngayon, tinitingnan ko lang sila tapos napapangiti na ko. Naiinggit ako sa kanila. Buti pa sila, naranasan nila ang totoong kasiyahan ng pagiging bata. 

Ansarap sigurong bumalik sa pagkabata. Yung wala kang iniisip na malaking problema mapa-love life man, family issues, grade problems, o insecurities natin sa sarili. Buti pa yung mga problema ng mga bata, wala silang pambili ng mga laruang gusto nila. Pero madali lang sulosyon ng problema nila. Umiyak ka lang sa harap ng magulang mo at makukuha mo na ang gusto mo pero depende pa rin yan sa kaya ng pamilya mo. Atleast hindi tulad sa mga piniproblema natin ngayon. Ansarap lang bumalik sa pagkabata. Yung feeling na ramdam mo talaga ang pagmamahal ng mga tao sa paligid mo.

Pilot G-TEC Pen

Sabi ng iba, maganda daw kasi gumaganda sulat nila pag yan ang gamit na pen. Maganda rin kasi parang ang linis ng papel na sinusulatan mo. Pero sabi naman ng iba, pangit daw kasi madaling masira. Once na naibagsak mo siya, lalabo ang sulat. Minsan kapag natiming na walang takip yung pen mo tapos nalaglag, ang swerte mo, nabali na yung point niyang sobrang nipis. Bili ka ulit ng bagong refill kasi yun mas mura kesa bumili pa talaga mismo ng bago. Pero kung ayaw mo ng refill, ang yaman mo naman. 

Ako, yan na ginagamit ko simula first year. Di ko alam pero nagagandahan naman ako. Kasi normally, maliit sulat ko kaya mas maganda kapag maliit ang point ng pen mo. Kahit twice pa lang talaga ako nakaubos ng gtec. Laging nababali yung point niya, ang careless ko kasi. Minsan, nawawala nalang talaga bigla yung sulat. May ink pa siya, pero putol-putol na yung lumalabas na ink pag nagsusulat ka. Kaya, no choice na at bumili nalang ulit ng bago. Ilang beses na rin ako pinagalitan dahil sa pen na yan. Bakit daw ang mahal-mahal, eh ang dami naman dawng ibang pen ang bilhin. 

(Source: shayantist, via shayantist)

Nakakainggit yung mga taong kahit gaano karami at kahirap ang mga problemang pinagdadaanan nila eh nagagawa pa rin nilang tumawa at ngumiti. Nakakahanap pa rin sila ng inspirasyon despite sa mga pinagdadaanan nila. Yung mga taong may sobrang laking tiwala na makakayanan nila lahat ng pagsubok at idaan nalang sa ngiti ang lahat.

(Source: shayantist)

“Bat di mo sabihin ang gusto mong sabihin?”

Natatakot ka kasi baka may masaktan ka? Baka maging iba tingin nila sa’yo? Baka magalit sila sa’yo? Baka mareject ka lang din pagkatapos mong sabihin? Baka wala rin naman pala silang pakialam sa sasabihin mo? So ano, ipapaubaya mo nalang sa hangin lahat ng gusto mong ilabas diyan sa bibig mo? Wag mong pigilan sarili mong magsalita. Lahat tayo may karapatang magsalita. Lahat tayo, may karapatang marinig ng kapwa tao natin. Hindi lang sila yung pwedeng magsalita, tapos ikaw, nakaupo lang sa tabi, oo lang ng oo. Share your insights, your opinions. Wala namang mawawala kung susubukan mong maglabas ng opinyon mo eh. Kung magagalit sila sa opinion mo, let them be. Ikaw yan, wala na silang magagawa kasi yun naman talaga ang opinyon mo. Magkaiba tayong lahat, hindi talaga maiiwasan yung ganyan, lalo na sa panahon natin ngayon. 

Speak now. Wag mong hintayin ang panahon na pagsisisihan mo ang hindi mong pagkibo sa mga bagay-bagay noon. Ask questions. Walang masamang magatanong. In that way nga, mas pinapadali mo yung buhay mo eh. Di mo na kailangang mag-isip pa ng kung ano-ano, yun naman pala eh mali. Magtanong ka, di naman nangangagat ang tao eh. Parang sa love life lang, tinatanong ka kung ano problema, sasabihin mo wala. Pag tinatanong naman kung nagseselos ba o ano, sasabihin mo hindi. Bakit ayaw mo sabihin sa kanya yung totoo? Malay mo, pag sinabi mo yung totoo sa kanya, may magandang epekto pa yun sa inyo. 

(Source: shayantist)